
Ginugunita natin ang ika-35 anibersaryo ng pagputok ng Bulkang Pinatubo—hindi lamang bilang pag-alala sa trahedya, kundi bilang patunay ng katatagan ng bawat Pilipino at Kapampangan.
Menabu ing abu, dinalus ing lahar, dapot e keni megwakas ing kwentu tamu. (Bumagsak ang abo, dumaan ang lahar, ngunit hindi doon nagtapos ang ating kwento.)
Ang Bulkang Pinatubo ay naging simbolo ng kalamidad, ngunit ang bayanihan at diskarte ang naging tunay nating kalasag.
Upang magbigay-daan sa makabuluhang paggunita sa araw na ito, idineklara na walang pasok sa Probinsya ng Pampanga ngayong Hunyo 15, 2026 (Lunes).
