
Nakikiisa ang Pampanga State University sa paggunita sa Araw ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, bilang pag-alala sa araw ng kanyang pagpaslang na naging mitsa ng 1986 People Power Revolution.
Sa paggunita sa araw na ito, nawa’y patuloy tayong maging liwanag at boses para sa katotohanan at katarungan.
Ang kalayaan ay hindi lamang pamana ng nakaraan, kundi isang patuloy na pananagutan na dapat nating ingatan at isabuhay araw-araw.
