
Kaisa ng sambayanang Pilipino ang Pampanga State University sa pagpupugay sa mga bayaning Pilipino!
Ngayong Araw ng mga Bayani, hindi lamang natin ginugunita ang mga pangalan at mukha na nakaukit sa mga pahina ng kasaysayan. Kasama rin sa pagkilala na ang tunay na bayani ay nabubuhay sa puso ng bawat Pilipinong may malasakit sa kapwa at sa bayan.
