
Nakikiisa ang Pampanga State University sa ika-84 na taong paggunita ng Araw ng Kagitingan. Ngayong Abril 9, 2026, hindi lamang awit ang ating inaawit sa pagtugtog ng Lupang Hinirang; kasabay nito ang pag-alala sa tapang, sakripisyo, dedikasyon, at dugong inialay ng ating mga ninuno para sa kalayaan ng ating bansa. Sa bawat linya ng ating Pambansang Awit, nananatiling buhay ang diwa ng kagitingan ng mga Pilipinong nanindigan para sa ating kasarinlan.
“Alab ng puso, sa dibdib mo'y buhay…” – Lupang Hinirang, Pambansang Awit ng Pilipinas
